
LUNES
Binukas ang mga mata sa bagong umaga
Muling umaasa sa panibagong sana
Sana mabigyan ng pansin ang mga hinaing
Pakinggan ang mga boses na humihiling
MARTES
Itong gusaling umangat sa rurok ng kalingitan
Tila biglang nakalimot na kami ang pumasan
Bawat suntok sa tagumpay kamao namin ang gumalaw
Ngayong kami’y nangangailangan bigla kang bumitaw
MYERKULES
Sadya namin ay tinapay, umulan ay bato
Hindi ka kumilos, ni hindi kumibo
Nasaan na ang bangkang sabi mong lulan natin?
Bakit kami lang nakakapit sa dulo ng patalim?
HUWEBES
Simpleng mangagawang binulag mo ng pangako
Pinaasa, pinabayaan, pinagkanulo
Dukhang marapat sana’y dakilain at itanghal
Tinanggalan ng pag-asa at natitirang dangal
BYERNES
Kaya ‘wag mong sasabihing pantay ang ating halaga
Kung hindi ka kaisa sa hirap, dusa’t luha
Kung hindi ka nangambang mawalan ng tirahan
At naranasang matakot para sa kinabukasan
SABADO
Ipikit ang mga matang pagod nang umaasa
Tama na ang paghihintay sa malinaw na wala
Panahon nang isigaw ang aming bulong
Hindi na aasam sa iyo ng tulong
LINGGO
Sa mapanghamong buhay makikipaglaro
Ang sistemang baluktot dudurugin ng pino
Liwayway ng paglaya ay darating din
Pag-unlad at tagumpay sa iyong inalipin
For a long while I chose not to write poetry because, with what I’m carrying in my heart, I know nothing positive will come out of it. And I didn’t want that. I would love if my words can inspire or bring a smile to the few readers who take time to notice my writings. So I chose silence for the meantime. Until, perhaps, I genuinely feel happy about life and living again. But the struggle is real. And I need to unload it, even just this one. </3
June 4, 2020 at 4:02 pm
napakaganda ng iyong sinulat… pag-ibig sa manggagawa 🙂
LikeLike
June 8, 2020 at 5:42 pm
The struggle is real in Pinas…i feel you Maria💔💔💔
LikeLike