5:07 Namulat sa isang gunita.

5:09 Tulala. Pagod ang mga mata.

5:10 Tila hindi na sila nasanay sa bigat— ng muta.

5:14 Makapagkape nga.

5:17 Teka.

5:17 Walang tubig.

5:18 Itutuloy ko pa ba?

5:22 Wow. Iba din.

5:23 Binuhusan ba ‘to ng pintura ni Van Gogh?

5:23 Ang ganda ng langit.

5:24 Naalala ko na naman.

5:25 Wala pa akong kape.

5:29 Wala ka din sa aking tabi.

5:30 Ba’ t bigla kang nasama sa usapan?

5:31 Sabagay.

5:32 Simula’t huli, hindi ka naman nawala sa isip. Sa paggising sa umaga hanggang sa pagsapit ng gabi. Matamlay man o makulay ang langit. Maging sa eskinita ng 6th st. Sa lamig ng ice cream. Sa init ng kape.

5:33 Kape.

5:34 Kailangan ko pala ng kape.

5:34 At ikaw sa aking tabi.

5:39 Kailan ba ito matatapos?

5:40 Ang tagal naman ng oras.

5:41 Mapanukso ang bawat segundo. Gusto ko silang itulak papalayo. Pabilisin ang pagtakbo ng mga minuto. Ayoko nang kumapit sa kamay orasan. At sa kung ano pang mga pangako ang hawak nito.

5:42 Nakakatakot.

5:45 Nakakasilaw na.

5:45 Natapos na pala ang pamimitak ng araw.

5:47 Kailangan ko nang tumayo. Ayaw mo nga pala sa mga hindi nag-aalmusal.

5:48 Tatayo.

5:49 Matutulala.

5:50 Kailangan ko muna kasi ng kape.

5:53 At pwede bang ikaw na rin sa aking tabi?

5:55 Limang minuto. Limang minutong pagnakaw ngiti. Pagkalaban sa oras na tila galit na tayo’y pagsamahin.

5:55 Itutuloy ko pa ba?

5:56 Oo na. Tama na.

5:57 Tatayo na.

5:59 Panibagong araw na naman ang haharapin.

6:00 Makapag-init nga ng tubig.


It has been a while since I’ve written a Tagalog Poem (or any poem for that matter). This piece is a poem and a story in one. A shoutout to the coffee lovers and to the lovers of dawn. 

P.S. I tried to write an English translation but didn’t like how it turned out. So in defeat, with a hint of distress, I’m posting this as it is. Below is a snippet and probably the gist of the whole piece. 🙂

5:34 I need coffee.
5:34 And you beside me.