A poetic duet with a friend, a traveller, an all-time hugotero, an instant love guro, and team bang’s one and only IDOL wanderer. Here’s an early Tagalog hugot about leaving and being left behind…
Idolwanderer:
Sa ngalan ng pag ibig may dalawa kang pagpipilian. Ang mang-iwan o ang iwanan.
Ngunit sino ba talaga ang laging nang-iiwan? Kaming mga lalaki o kayong mga kababaihan?
Maria:
Sino nga ba ang nang-iwan at sino ang iniwan? Sa larong ito, sino ba ang may kasalanan?
Ako ba na walang ginawa kundi ibigay ang lahat. O ikaw na ang tingin sa akin ay hindi pa sapat?
Idolwanderer:
Ha! laro? Anong laro? Para sayo laro lang pala ang akala koy totoo?
Ang sakit isipin at kay hirap tanggapin. Ngayo’y alam ko na, na para sayo akoβy laruan lang at di pala dapat mahalin
Maria:
May totoo nga ba sa lahat ng iyong ipinakita. Kung napakadali mong nagbitiw at naglahong parang bula.
Ang lahat ng pangako mo ay pinanghawakan ko. Ngunit sa isang saglit, lahat pala ay mapapako.
Idolwanderer:
So para sayo ngayon ako na ang may sala? Sino ba ang sunod-sunuran, ni halos ibigay ko na sayo ang mga tala.
Naging sunod-sunuran lang naman ako na tila ba akoy isang hamak na alila. Pero di ako bumitiw kahit sabihin mong umalis na ako sa buhay mo at gusto nang tuluyang mawala.
Maria:
Ni minsan ay di ko hiniling ang buwan o mga tala. Dahil sapat na ang kinang ng iyong mga mata.
Ngunit ang dating liwanag ay napalitan ng dilim. Nang mas pinili mong ako ay paluhain.
Idolwanderer:
Ang saktan ka ay diko sinasadya. Ni ayaw nga kitang makitang lumuluha.
Sadyang may mali lang talaga sa ating dalawa, at di matatapos ang away nato kung di magpatalo yung isa.
Maria:
Maari ngang may mga bagay na kailangang magtapos. Magpalaya sa isaβt-isa at hindi magpagapos.
Dahil kung iisipin ay parehong talunan. Ang taong nang iwan at ang iniwan.
Idolwanderer:
Bakit ba kailangan pang tapusin ang mga bagay na pwedi pang ayusin? Ayaw kong mang iwan at ayaw kong iwanan ang gusto ko lang ay panghabang buhay mong mahalin.
Kaya kung may nagawa man akong mali at may nasabi man akong masama. Sorry na! Para sa pagmamahalan nating dalawa hayaan mong ako ang magpatalo at habang buhay ko itong itama.
Up for a poetic journey where travel and poetry intertwine? Check out idolwanderer and his travel hugots. π
November 25, 2017 at 11:50 am
What’s most exciting about this article wasn’t just the content but also the feelings when i was writing wishing that ” SANA TOTOO NALANG ANG LAHAT”
LikeLike
November 25, 2017 at 9:29 pm
Kacute ninyong duha uyy. πππ Kamo na? πππ
LikeLike
November 27, 2017 at 2:47 pm
Hahahah committed iyang feelings sa uban ma’am ui hahaha π
Friendzoned lang ko ani π’
LikeLike
November 27, 2017 at 3:02 pm
Hahaha. Malas ka πππ
LikeLike
November 29, 2017 at 6:45 pm
Ayyy..Iba din!!! More please!
LikeLike
December 1, 2017 at 1:34 am
Hahahaha
LikeLike
December 1, 2017 at 1:34 am
Idol hahahah
LikeLike
December 6, 2017 at 11:27 am
Ohhh wow galing!!! Yay maria finally you wrote one great tagalog piece..i know you’ve been wanting too…and oh..i am heading off to idolwnaderer…galing din nia..
LikeLiked by 1 person
December 6, 2017 at 12:52 pm
Thanks, Mich! And yes, I’ve been wanting to write a tagalog poem.. sa wakas, nakapagsulat rin ulit. Happy to see you here, too. π
LikeLiked by 1 person